Saturday, June 23, 2007

trip down memory lane, habang kumakain ng choc nut, umiinom ng hi-c at nanonood ng saturday fun machine



nakakalungkot na yung mga bata ngayon pag sabado mall lang ang nasa isip... patay na yung sabado na masaya...
nung bata ako, which is a very long time ago i always look forward to saturdays because of saturday fun machine and uncle bob's lucky seven club.
yun, paggising manonood lang ng mga cartoons na walang kamunduhan at less violence. those were the days where superheroes are just plain good, walang mga dark past, walang conflict of interest, walang internal o emotional struggle ang mga bida. basta pag bida mabait, pag kontrabida bad!
superfriends, great space coaster, space ghost, punky brewster, mightor, thundercats, gummy bears, comic strip (camp mini-mon, karate cat, streetfrogs, tigersharks), popeye... haaay, nakaka-miss. naalala ko pa na gustong-gusto ko maging centurion (power extreme!) e member ng M.A.S.K., o bionic six.
simple lang ang buhay, pagkatapos ng saturday cartoons either we'd watch eat bulaga, or play outside, taguan, patintero, luksong-tinik/baka, tumbang preso, moro-moro, mataya-taya, monkey-annabelle(monkey monkey/annabelle/how many monkeys did you see...), langit-lupa (langit lupa/ impyerno/ im...im... impyerno...), mangga-mangga (mangga-mangga/ hinog ka na ba?/ oo,oo hinog na ako...), mother may i?, pepsi-seven up. walang PSP, nintendo DS, walang ipod, walang pc, walang cellphone. kung gusto mong kontakin yung kalaro mo pipito ka lang, o kaya papalakpak. pwede ka rin magbigay ng secret message, isusulat mo lang sa coupon bond pero ang tinta mo katas ng kalamansi, tapos paplantsahin ng kalaro mo para lumabas yung secret message...
mga idol namin noon hindi artista, mga superheroes... superman, super islaw, mga g.i. joe. wala kaming pakialam sa mga artista noon, at wala rin kaming balak mag-artista noon. di tulad ng mga bata ngayon ang ultimate dream lang ay maging artista! wala rin kaming malisya sa katawan noon, kahit mga hubo kaming maglaro sa ulan walang kantiyawan, di tulad ngayon, mga hindi pa tuli nanliligaw na...
maiisip mo, cheap thrills lang kami, but i had the most wonderful childhood, i am grateful that i grew up when technology hasn't eaten the purest happiness a child could get. di pa kami dependent sa technology, simple lang yung buhay. kahit brownout o walang load masaya pa rin kami. the most wonderful things that brought me happiness as a child wasn't bought in a mall, and it may be outdated but it still makes me smile until now, di tulad ng linumang 5110, wala nang kwenta ngayon (at libo pa ang binayaran mo nung una mong binili para mauna ka)
when i become a father i promise to protect my child from technology, it might be inevitable, pero sisiguraduhin ko na yung pagiging bata nya, magiging sing saya ng pagiging bata ko.

1 comments:

Makoy said...

salamat sa pag comment sa blog ko at sa pag daan na rin. Si korina tlaga yung reporter na sinasabi nya? Kya pla ganon yung reaction nya.